bakit nga ba kapag ang puso'y tumibok,
kahit sino pa'y `di makapanghimasok.
bakit nga ba kapag ang puso'y umibig,
nag-aalab ang mapusok na pag-ibig.
akala ko ikaw na nga aking mahal,
sana tugunan ang aking pagmamahal.
aking dinadalangin, puong may kapal,
sana'y `yong dinggin mataimtim kong dasal.
wala na `kong tanging pangarap pa,
kundi ang makapiling at mayakap ka,
madama ang matatamismong mga halik,
sa katawan ko'y labis na nananabik.
subalit sa mga nagdaang panahon,
pagmamahal saki'y `di na tinutugon.
naghanap ng iba't iniwan momg sawi,
sana ikaw pa ngayon ay mababawi.
No comments:
Post a Comment